Ok. Break muna sa mga pinagagagawa ko dahil nasa mood nanaman ako magblog at nasa mood din ako para sa isang tagalog post. Naubusan na yata ako ng english dahil sa bwisit na papers na yan. Isang week nalang at finals na. Sobrang bilis ng panahon hindi ko man lang naramdaman na nakakalahati na pla ako ng taon sa Commercio.
Ilang weeks narin akong busy. Actually ilang weeks narin akong nagpapanggap na busy hahaha. Ang dami kasing requirements na dapat ipasa at ngayon palang ako halos kumikilos. Ayan tuloy natambakan na ko ng mga gagawin gaya ng:
1. Yung bwisit na Marketing Research paper at Marketing Plan. Salamat naman at natapos ko kahapon yung pinapagawang manual tally samin. Sobrang sumakit yung ulo ko at nakatulog pa yata ako habang nagbibilang. Tapos ko narin yung part ko sa Marketing plan, kakatapos lang actually. Yung SWOT analysis na noon nababasa ko lang sa Management at Basic Marketing books, ngayon marunong na kong gumawa! hahaha.
Akala ko pa naman noon napaka dali lang gumawa ng Marketing plan at nagererklamo pa ko kung bakit hindi kami tinuruan nung 2nd year. Dugo pla sya kaya ganun.
2. Yung written report namin sa Product Management. Nako, tapos ko naman na yugn part ko, yung Idea Generation at Screening pero kailangan ko pa ifinalize dahil bulok na english yata yung ginamit ko. Sabi nila dapat daw maraming techinical terms para mapa wow ko si Ma'am Barts.
Di pa nga rin tapos yung prototype namin na product! lintik na yan gagawan pa ng blueprint at concept paper pati yugn business analysis pero hindi ko na problema yung kasi hindi ko naman part yun kaya lang sa tuesday na ipapasa yun.
3. Yung report ko namin sa Product Management! Nakakainis hindi ko parin tapos yung power point. Akala ko naman kasi sobrang konti lang nung Commercialization part kaya ako na nag prisinta na gumawa ng power point aba nobela pala.
4. Tatlong quiz ko bukas, Marketing Research, Marketing Channels at Law, wala pa kong sinisimulang basahin kahit isa.
5. Yung lecture ko sa LAW. Naman, 60 articles na yata yung hindi ko pa naisusulat patay ako sa friday pag nagcheck ng notebook si Atty.
6. Yung defense namin sa Marketing at Product Management nako wala pa kaming napaguusapan kahit isa! hahaa patay talaga ko.
at
7. Yung facility room reservation na dapat last last last week ko pa tapos hanggang ngayon wala parin akong maipasang proposal. Hindi ko rin naman kasalanan kung mahal ang rates ng hotels at knug marami masyadong ginagawa sa acads.
Akala ko pa naman noon easy lang ang buhay Commercio, walang masyadong pinoproblema pero grabe tatambakan ka pla ng requirements pag dating ng finals nakakainis. Halos wala na lahat kaming tulog kakaintindi sa mga papers na yan at sa mga quizzes na yan. Hay konting tiis nalang mga classmates sembreaaaaak na!!! hahaha Godbless sa finals.
No comments:
Post a Comment